Ramdam na ramdam na natin ang election fever. Mukhang magkaka-fever na rin ako. Araw-araw kong nakikita sa balita ang mga taong gustong tumakbo sa pagka-Pangulo. Nagkaka-migraine ako. Ano ba ‘yan - Ano ba ang tingin ng mga taong ito sa Pilipinas? Isang malaking JOKE?
Meron pang isa diyan kunwa’y hindi tatakbo, na pinipilit lang ng mga tao pero san ka, tagal ko na nakikita kung saan-saan ang banner n’ya. Tipong dalagang Filipina na nagpapaligaw pa, pero for sure, tatakbo naman. Gumagawa lang muna ng ingay. Hay. I have nothing against him pero susko naman, takbo na kung tatakbo. ‘Wag nang pa-cute. Ini-style-an mo pa ang mga supporters mo. Sige na, takbo na. May mga susuporta naman sa’yo. Kung malinis ang hangarin mo, maganda rin naman ang klase ng disiplinang naitaguyod mo sa siyudad ninyo, sige na, takbo na. Mas may karapatan ka namang tumakbo kesa sa iba d’yan.
Pati na rin sa mga gustong tumakbo bilang senador. Ito lang ang eleksyon na parang kinakabahan ako sa magiging kahihinatnan ng senado. Nawa’y bumoto ang mga tao na gumagamit ng isip... Iluklok po natin ang mga karapat-dapat sa pwesto. Maisip ko lang ang mga taong pwedeng umupo sa pwesto, susko, inaatake ako ng vertigo.
Sa local naman, dito sa amin sa San Pedro, isa lamang ang gusto ko, na sa tingin ko nama’y gusto rin ng mga kapwa ko taga-San Pedro - PAGBABAGO. We do not need old promises as they stayed as that - promises. We need promises that turn into reality. We do not need dreams; we want - no, we cry - for actions.
To raise my point, ang pagbabago pong hinahangad ko, kung inyong mamarapatin, ay iyong pagbabagong NAKIKITA (MAKIKITA) at NARARAMDAMAN (MARARAMDAMAN) ko at ng kapwa ko taga-San Pedro - with or without the banners. ‘Yung napapakinabangan hindi lang ng piling mga mamamayan. ‘Yung mga SIMPLENG PROYEKTO na magbibigay ng malaking epekto sa maganda at tahimik na pamumuhay ng mga tao. ‘Yung tipong ‘di na kailangang bagtasin ng mga taga-San Pedro ang BAGSIK NG TRAPIKO lalo na sa EDSA dahil maraming trabaho dito sa bayan natin. O 'yung tipong mage-enganyo sa mga taong mag-negosyo o magpapalawig at susuporta sa small businesses. ‘Yung tipong walang kaba tayong maglalakad sa kalsada kapag ginabi ng uwi dahil walang mga snatcher sa may tulay (lalo na pag malapit na ang Pasko). ‘Yung tipong wala kang makikitang kalat sa paligid at hindi ka mape-perwisyo ng mga naghambalang na mga sasakyan sa kalsada dahil ginawa nang PARKING AREA. ‘Yung tipong may mga traffic enforcer na tumutulong sa pagtawid ng mga tao sa highway at hindi nagkukuwentuhan. ‘Yung naglulunsad ng proyekto pinakikinabangan talaga ng mga tao at hindi nagsayang lang ng binayad ng taxes ng mga mamamayan. ‘Yung kapag nagkasunog, maaagapan ang ibang bahay o establishment dahil may sapat ng fire truck at bumbero. 'Yung tipong sasabihin mong ang mga leader ng bayan mo ay mahal ang environment dahil unang-una, pag lakad mo sa may tulay papuntang San Antonio, makikita mo ang ilog na buhay... dinadaluyan ng tubig. Nakapanlulumong makita ang itsura ng ilog ngayon - halos patay na. Halos lupa na. Puro damo na. Kaya kapag bumagyo, kinakabahan ka na dahil ALAM NA - BAHA na ang kasunod. Masakit isipin - dati namang hindi bumabaha sa amin. Oo nga’t may kasalanan din ang mga tao dito, pero bilang isa sa mga iniluklok ng tao, alam mo dapat kung ano ang magagawa mo at alam mong kailangan ng tao ang tulong mo.
Kung kulang sa pondo para sa mga proyektong mahahalaga gaya nito, ibig sabihin ba noon, wala na tayong magagawa? Pikit mata na ba nating tatanggapin na ito ang katotohanan? Paano na ang PAGBABAGO na hinahangad ng mga taga-San Pedro?
Sabi ko nga, isa lamang akong simpleng mamamayan ng San Pedro. Sino ba naman ako para mag-question. Sino ba naman ako para magsalita at pakinggan? Pero isa po akong botante na gustong magkaroon ng pakinabang o WORTH ang boto ko.
Madali pong gumawa ng plataporma. Madali rin pong sabihin (o kabisaduhin) ang mga ito para sa araw ng pangangampanya. Alam naman po kasi natin ang pangangailangan ng mamamayan. Pero please lang, sana naman, ang mga mananalo ay magdulot ng SIGNIFICANT CHANGES sa bayan kong mahal. 'Yung MAKIKITA at MARARAMDAMAN kahit HINDI IPAALAM. May the good Lord touch their hearts and minds so they will do good, no better, for San Pedro.
No comments:
Post a Comment